Bukas, di na kita mahal.
Bukas,
itatapon kong lahat
ng naipon kong pagtingin.
Bukas,
kakalimutan kong lahat
tungkol sa yo
- na araw-araw kong inaalala.
Bukas,
mawawala na
ang lahat
ng mga panahong
binabalik-balikan ko.
Bukas,
hindi na ako maghihintay.
Kaya't magpupuyat ako ngayon
at sana...
makahabol ka
bago dumating ang bukas.
Sana Hindi Na Sumikat Ang Araw - Sa panulat ni Mardie Sindayen Thursday, 6 August 2009
No comments:
Post a Comment