Monday, September 8, 2014

Masakit na Ligaya

Original Post: Facebook Notes, 27 April 2013 at 20:42. 
--------------

Kahit anong oras
magkikita kayo
ng taong napili mo.

Papasok sa isang kuwarto
magsasabi
ng kung anu-ano.

Tapos,
ika'y hihiga,
uupo,
o tatalikod.

O kung anong pwesto ang gusto.

Sabay, ilalabas na
ang matulis na pagmumulan
ng sakit at kaligayahan.

Simula na ng laban.

Ika'y hihinga ng malalim,
at pagkuwa'y mapapahiyaw,
habang tahimik na saksi
ang di pinapatay na ilaw.

Makikita mo
ang iba't ibang kulay ng langit,
kaya't di mo iindahin ang sakit.

Sa dulo'y
sasabihin niyang, "Ayan na."

habang nakapikit ka pa.

Ika'y mangingiti,
habang tinititigan
ang parteng mahapdi.

Tapos na
ang masakit ng ligaya.

Ang makulay mong tato ay gawa na.




No comments:

Post a Comment