Originally posted as: Sa malalim na pagkabagabag ng iyong kalooban on Facebok Notes, 7 September 2011 at 01:57
---------------
Nalulungkot ako,
sa malalim na pagkabagabag ng iyong kalooban
ukol sa mga bagay
kung saan manhid ako...
At ang marami pang iba.
Hindi ko maintindihan
ngunit ramdam ko.
Ramdam ko,
na nasasaktan ka.
At nasasaktan ako,
dahil ako ay ikaw.
Gumuguhit sa aking dibdib,
ang bawat solusyong tinatapos mo
sa mga katagang "Ewan ko."
Na para bang walang kabuluhan ang lahat
tungkol sa taong iniingatan namin: Ikaw.
Wala akong alam;
tapon ang aking karanasan,
basura ang aking dunong.
Lahat ng kaalamang nakalap
ng mapagmasid kong mga mata
masipag kong tainga
at matalas kong memorya
ay tila nagsitakas.
Tumatangis ngayon
ang puso kong inakala ko'y manhid.
Nilulusob ng pighati
itong dibdib
na katabi ng bagang nilalason
ng usok ng sigarilyo.
Pumapatak ang mga luha
para sa buhay na telenobelang
hindi lumalaban ang bida.
Nais kong maging malakas
at ipamalas sa iyo na ang buhay
ay hindi puro pighati.
Dahil tayo'y pareho,
tayo'y babae na pinaluha ng pag-ibig,
tayo'y anak na pinasakitan ng lipunan,
tayo'y masa na nabuhay sa hirap ng panahon.
Ako ay ikaw at ikaw ay ako.
Isang araw, nais kong mabihag
ang iyong kaligayahan
at ibalik iyon sa iyo.
At, dahil at kahit, tayo'y makailang-ulit na nabigo,
Isang araw, sana'y matuklasan mo
ang tatag ng isang tunay na babae.
Bumangon ka at lumaban
dahil ikaw ay masa na nabuhay sa hirap ng panahon,
anak na pinasakitan ng lipunan,
babae na pinaluha ng pag-ibig,
at dahil ikaw ay ako
at ako ay ikaw.
---------------
Nalulungkot ako,
sa malalim na pagkabagabag ng iyong kalooban
ukol sa mga bagay
kung saan manhid ako...
At ang marami pang iba.
Hindi ko maintindihan
ngunit ramdam ko.
Ramdam ko,
na nasasaktan ka.
At nasasaktan ako,
dahil ako ay ikaw.
Gumuguhit sa aking dibdib,
ang bawat solusyong tinatapos mo
sa mga katagang "Ewan ko."
Na para bang walang kabuluhan ang lahat
tungkol sa taong iniingatan namin: Ikaw.
Wala akong alam;
tapon ang aking karanasan,
basura ang aking dunong.
Lahat ng kaalamang nakalap
ng mapagmasid kong mga mata
masipag kong tainga
at matalas kong memorya
ay tila nagsitakas.
Tumatangis ngayon
ang puso kong inakala ko'y manhid.
Nilulusob ng pighati
itong dibdib
na katabi ng bagang nilalason
ng usok ng sigarilyo.
Pumapatak ang mga luha
para sa buhay na telenobelang
hindi lumalaban ang bida.
Nais kong maging malakas
at ipamalas sa iyo na ang buhay
ay hindi puro pighati.
Dahil tayo'y pareho,
tayo'y babae na pinaluha ng pag-ibig,
tayo'y anak na pinasakitan ng lipunan,
tayo'y masa na nabuhay sa hirap ng panahon.
Ako ay ikaw at ikaw ay ako.
Isang araw, nais kong mabihag
ang iyong kaligayahan
at ibalik iyon sa iyo.
At, dahil at kahit, tayo'y makailang-ulit na nabigo,
Isang araw, sana'y matuklasan mo
ang tatag ng isang tunay na babae.
Bumangon ka at lumaban
dahil ikaw ay masa na nabuhay sa hirap ng panahon,
anak na pinasakitan ng lipunan,
babae na pinaluha ng pag-ibig,
at dahil ikaw ay ako
at ako ay ikaw.
No comments:
Post a Comment