(Repost from August 2007), Reposted on Facebook Notes on 1 August 2011 at 06:37
-------------
Nangyari na ba sa yo yung tipong iniisip mo yung isang tao pero kinakahiya mong iniisip mo siya? Na ni hindi mo halos maamin sa sarili mo na nasa utak mo nga siya kasi hindi naman siya yung taong pinapangarap mo? Pero siya pa rin talaga yung iniisip mo...
Tapos, ni hindi mo masabi dahil hiyang-hiya ka, at hindi mo talaga maamin dahil lumulubog yung pride mo, pero alam mong mahal mo talaga siya. Pero kapag nasabi mo lang na tulad ng ganon, parang nasusuka ka at nandidiri ka ng sobra.
Hindi mo masabi sa mga kaibigan mo kung sino yung kinababaliwan mo dahil hindi mo maamin sa sarili mo. Kahit pag kinikilig ka gusto mo na sapakin yung sarili mo dahil hindi lang talaga siya yung tingin mong dapat mong kinakakiligan.
Pero alam mo sa sarili mo (pero hindi mo nga talaga maamin) na gusto mo sana maging kayo. Pero hindi mo rin talaga kayang ipakilala siya sa mga kaibigan mo. Let alone sa magulang mo... At shit, kahit kay Lord gusto mo din siyang itago! Yung tipong gusto mong maging sa yo siya pero kung magkaron man kayo ng bahay, wish mo na tuwing papasok siya e dun siya dadaan sa kusina. Tapos, yung tipong wag sana siyang magpapakita sa bisita.
Tapos, lalo ka pang mapapahiya sa sarili mo dahil siya pa yung walang gusto sa yo! OW SHIT!
Tapos, mas sumasama pa dahil alam mo sa sarili mo na may itsura ka naman, matalino, may ibubuga, may patutunguhan etc etc samantalang siya etong matalino nga pero hindi guapo, malaki ang tiyan, at matanda na at walang patutunguhan.
Pero sa dulo nito alam mong halos pinipintasan mo na lang yung buong katauhan niya dahil hindi mo maamin sa sarili mo na DEAD NA DEAD KA SA PANGIT NA WALANG GUSTO SA YO!

No comments:
Post a Comment