Friday, September 5, 2014

Aling Banang's - Maysilo Circle, Mandaluyong

Posted by IE Sindayen at 1:59 AM, http://dearpapa-p.blogspot.com/Monday, January 13, 2014

Bago lang ako sa Mandaluyong. I moved in October 2013. So, wala pa ako masyadong alam puntahan other than yung commercial spots like fast food and mall restaurants. 

E pero hindi ako masyado fan ng commercial echos. Kasi, trip na trip ko ang mga katagang "give chance to others." As in, "give chance" para distribution of wealth at "give chance" sa sharing of talent.

Today, my friend and I went to Aling Banang's for the first time. Nakwento kasi ng boss niya, na dating boss ko din, na success daw ang food trip don. E syempre boss yon.. er, I mean, syempre pagkain yon, kaya we had to check it out.

Nasa Maysilo Circle lang ang Aling Banang's. From EDSA, go down Boni MRT station and take a jeep bound for Gabby's. Baba ka sa Maysilo Circle bago kumanan paakyat sa may Baliwag. Tapos, lakad ka papuntang Tapa King. Malalagpasan mo pa yung Tapa King para makarating sa Aling Banang's pero baka ma-miss mo yung sign kasi nasa baba ng sign ng Nuat Thai Massage yung sign ng Aling Banang's at mukhang warehouse yung building pag sa malayo. 

Check mo na lang yung pic ng kaibigan kong galit sa camera. O kaya, kung hindi mo pa talaga na-gets, mag-google maps ka na lang. Ingat lang at wag mag-cellphone sa gitna ng Maysilo Circle ngayon, pagnasagasaan ka, madaling itago ang bangkay mo sa hinuhukay na drainage system.

Anyway, pumasok kami sa Aling Banang's na brown and mottiff at may mga poster ng pagkain na nagsisisigaw ang kulay.

"I have a good feeling about this," sabi ng tiyan ko.

Pakiramdam ko nasa lumang movie ako ni Bembol Roco, Maynila sa Kuko ng Liwanag style. Pero hindi madumi, medyo madilim lang kasi nagswimming kami sa araw sa labas. 

Merong maliit na bintana kung san ka oorder ng pagkain tapos yung mga psychic na waiter lalabas galing kitchen para ibigay yung inorder mo in five minutes or less.

Wag ka mag-alala, mainit yung pagkain. Mainit talaga at nakailang paso sa labi yung kasama ko kasi pinipilit niyang kainin agad. 

Wag mong itanong kung pano nila nagawa yon, hindi ako dito nagtatrabaho. Basta ang alam ko, nasira ang diet ko sa Sizzling Liempo nila na P105 lang na may gravy na bumubulong ng: "Extra rice! Extra rice!"

Tapos meron pa silang pakulo na Leche Flan Ice Cream na may isang cube ng leche flan, sa ibabaw ng tatlong scoop ng ube ice cream, na nasa ibabaw ng apat na cubes ng leche flan pa! Na-imagine mo ba? Hulaan mo kung magkano.

I'm sure, mali ka. Kaya sasabihin ko na ang tamang sagot. Fifty pesos. 

Meron nga lang silang kalokohan sa halo-halo. Yung halo-halo nila, walang yelo. Meron ice, ice cream. As in, may beans at banana slices na pinaibabawan ng ice cream at nilagyan ng leche flan. Hindi halo-halo ang tawag don. Hindi ko alam kung anong tawag don pero mukhang may napilas na page sa recipe book nila kaya hindi nila nailagay yung yelo.

Just the same, wala naman talaga ako masyadong pakelam kasi hindi naman ako yung umorder ng halo-halo. At inubos ng kasama ko yung ice cream na hinaluan ng beans at saging kaya wala naman talaga masyadong problema.

O, alam kong gusto mong pumunta pero kinatatakot mo ang panganib na dulot nito sa abs mo. Pero, isipin mo na lang, hindi kayang sirain ng isang meal ang 6-pack mo. Pero hindi ko na kasalanan kung nagpabalik-balik ka..

Basta kami, babalik kami. Wala naman kaming abs na pinoprotektahan.





No comments:

Post a Comment