Ngayon, ang mobilisasyon ay nagkaroon na ng mukha para sa akin.
Pagkatapos mapagod sa pagbuhos ng sandamakmak na oras sa kakatanong sa mga tradisyunal na aktibistang walang masagot... nalaman ko din sa sariling sipag ang diwa ng mobilisasyon.
Higit sa madumi, magulo at militanteng pagkilos na ibinabasura ng mga pulitiko at inilaladlad ng mga tradisyunal na kabataang nais mabansagang makabayan... ang mobilisasyon ay isang makulay na pagkilos sa mga laban na hindi maipanalo sa isang de-strukturang prosesong idinidikta ng saligang batas na nakakiling sa interes ng mga mapandahas.
Ang mobilisasyon ay isang pagsumpa ng pakikibaka sa masang Pilipinong siya nating pinaglilingkuran. Isang paninindigan sa isang labang siya nating sama-samang kinasasangkutan.
Isa rin itong paraan ng pagiit sa ating karapatan para sa malayang pananalita.
Hindi ito isang dogmatikong estratehiya tungo sa kasikatan o pagpapanggap. At madalas, hindi rin ito sagot sa problemang ating kinakaharap. Ito lang ay isnag paraan upang ipaalam ang mga hinaing na itinatago ng mga iresponsable mula sa nakararaming mamamayang hindi namumulat sa tunay na pandarahas na nararanasan ng mga maralita.
inilathala sa 360.yahoo.com ni iE gamit ang seryosongpatawa@yahoo.com noong Linggo Marso 12, 2006. Orihinal na manuskrito ni Mardie "iE" Sindayen ukol sa Kilos Protesta.+

No comments:
Post a Comment