Monday, September 8, 2014

Ang Spare Tire

Reposted as: Ang Spare Tire niPiffitGarcia/iEsindayen, on Facebook Notes, 
1 November 2010 at 20:51

Ako nga pala si Piffit Garcia :)
_______


Alam mo ba kung anong purpose ng spare tire?
Reserba ‘yon para sa emergency.
Inaasahan mo na nasa ‘good working condition’ yun lagi.

Yun ang makakapagpanatag sa yo pag may lakad ka.
Yung idea, yung pakiramdam na meron kang reserba sakaling bumigay yung ibang gulong.
Kasi pag gipitan na, spare tire na lang yung aasahan mo.

Pero, madalas, hindi napapansin yung spare tire.
Hindi naalagaan kasi pang-reserba nga lang siya.
Kaya minsan, hindi na rin yon gumagana pag emergency na.

Pero ang responsableng nagmamaneho, laging tinitignan yung spare tire.
Laging inaalagaan, laging inaalala.
Kasi pinaka importante ang spare tire pag gipitan na
Pinaka importante yon pag alam mong mahina na yung ibang gulong

Pero kahit gano karesponsable yung nagmamaneho
Kahit gano kaalaga Kahit gano kagaling
Kahit gano kabait...
Wala pa rin gustong maging spare tire.
Kasi wala namang may gustong magkaron ng importansiyang
nakadepende kung gano kahina yung ibang gulong.

Ayoko maging spare tire.






No comments:

Post a Comment