Originally posted on Facebook Notes, 14 August 2011 at 13:51
--------------
Nakabitin ang paghinga
sa bawat ugong ng telepono,
hinihintay kung sasagot ka.
Inaabangan ang musikang hatid ng tinig mo.
Gumising ka na, sinta.
Nang mapawi ang aking pangungulila.
At muling hilingin ang tawad mo,
para sa hapding naidulot
ng mga salitang liban sa hubog
ng tunay kong nadarama.
Sana. Sana.
Sana'y andito ka,
upang matawag kitang giliw.
Mayapos. Mayakap.
At sabihin muli:
Nais kitang makasama,
kahit pa malabo ang bukas.
Nais kitang makasama
Ngayon.
Bahala na ang bukas.
Ngunit hanggang kinabukasan,
patuloy pa rin ang ugong ng telepono.
--------------
Nakabitin ang paghinga
sa bawat ugong ng telepono,
hinihintay kung sasagot ka.
Inaabangan ang musikang hatid ng tinig mo.
Gumising ka na, sinta.
Nang mapawi ang aking pangungulila.
At muling hilingin ang tawad mo,
para sa hapding naidulot
ng mga salitang liban sa hubog
ng tunay kong nadarama.
Sana. Sana.
Sana'y andito ka,
upang matawag kitang giliw.
Mayapos. Mayakap.
At sabihin muli:
Nais kitang makasama,
kahit pa malabo ang bukas.
Nais kitang makasama
Ngayon.
Bahala na ang bukas.
Ngunit hanggang kinabukasan,
patuloy pa rin ang ugong ng telepono.
No comments:
Post a Comment