Friday, September 5, 2014

Bukas, Meron na Tayong Kahapon

Isang araw, magtatawanan
Magkakatinginan,
Magkakatitigan,
Tapos, magkakaalaman.

Maghahawak-kamay
At magkakasundong mag-alis lumbay.

"Iwan muna natin ang mundo."
Ibubulong ng pulot-pukyutang mga labi.

Sabay, magdidikit ang mga dibdib,
At marahil pati ang mga puso
Isang mabilisang pag-ibig.

Marahan, tapos mabilis
Tapos marahan ulit.
Paikot-ikot pero may nararating.

"Malapit na."
Sambit ng nagkakarerang mga pulso.

Malilikot na mga kamay
At malayang mga labi
Sabay-sabay mararating
Itong sukdulan.

At pagkatapos ay muli.

Saka muling magbubulungan:
"Bukas, mayron na tayong kahapon."
"Hindi ko makakalimutan."








No comments:

Post a Comment