Sabi niya umiiyak daw siya.
Kasi naalala niya yung nakaraan.
At umiiyak siya dahil nalulungkot siya
Dahil tapos na tapos na.
Mabait yon.
Mabait na bata.
At siguro, yon siya...
Bata.
Bata pa.
* * *
Sana malaman mo lang...
Isang araw, tatanda ka rin.
Isang araw, hindi mo na yan papansinin.
Isang araw, maiilang ka na lang kapag naisip mo.
Dahil isang araw, hihinto rin yang nararamdaman mo
para kay gago.
Malalaman mo rin
na pinanganak kang mag-isa at mamamatay kang mag-isa.
At kahit minsan masaya na merong kasama,
ang buhay mo ay hindi lang para sa iba.
Pero...
Sige, umiyak ka.
Umiyak ka,
para mabigyan mo yan ng wakas
pero alalahanin mong meron pang bukas.
Bukas, bumangon ka
at gumawa ka ng mga pangarap
kung anong gusto mo maging
... mangarap ka kahit mahirap.
Isulat mo kung anong gusto mo maging sa mundo,
at sa buhay ng ibang tao.
Dahil kahit gano ka kagaling o katalino
kelangan mo ng plano -
Masalimuot ang pakikipagsapalaran sa sikolohiya ng mundo.
Hindi ko naman talaga alam kung anong sasabihin ko,
Wala naman kasi talaga akong ex na gago.
Pero sasabihin ko lahat ng kaya kong sabihin.
Para tumahan ka at maramdaman mong mahalaga ka sa akin.
Bago umuwi
Sabi mo, mahal mo.
Oo, sabi ko.
Siguro mahal mo.
Kasi naniniwala ako
na kung hindi na praktikal pero gusto mo,
mahal mo.
Wag kang mag-alala,
matatapos din yan
dahil ang pag-ibig,
hindi magtatagal kung ikaw lang.
At alalahanin mo,
Na hindi mo kakulangan kung siya'y gago.
Hindi mo kasalanan kung siya'y tarantado
Hindi mo pagkakamali kung siya yung malabo.
Wag kang manghinayang dahil wala kang panghihinayangan.
Ang mga taong ganon dapat talaga pinapabayaan,
Mahalin mo ang sarili mo.
At isipin mo,
"Buti na lang!
Hindi ka mag-e-end up with someone gago."
No comments:
Post a Comment