Sunday, September 7, 2014

"Boom." kesa sa "Boom!"

Ang Boom ay salita para 'Impact" kasi ang corny naman kung 'impact' ang sasabihin mo, e naimbento na naman yung salitang 'boom.'

Mas gusto ko ang "Boom." kesa sa "Boom!"

Pero... Ano ang kaibahan ng Boom. at Boom!

Ang Boom!
Exclamation point.
Malakas, maingay, papansin.

Jolly, hindi pwedeng galit. Kasi ang salitang 'boom,' hindi ginagamit ng mga nagpupuyos ang kalooban.

Pwede pa, "putangina boom!" pero kung 'boom' lang, hindi pwede.

Ang Boom.
May kasamang period na simbolo ng isang statement.

Isang fact.

Pwede ring simbolo yon na tapos na. Yun na yon. Tapos na ang usapan. Boom.

Sexy. Tahimik, hindi maingay pero may impact pa rin.
Parang... Ikaw.

Boom.



Posted october 12, 2012. Sangkaterbangwhat.wordpress.com

Saturday, September 6, 2014

Makinig ka kay Buloy. Basta, wag mo siyang gagayahin.

Sabi ni Buloy, "Lahat ng problema'y kayang lagpasan."

♤♡♢♧

Wala na akong sigarilyo. Nagpapaalam na ang mga taong pauwi na.

"Aalis ka na ba?" Tanong ng kaibigan ko.

Hindi pa. May hinihintay ako.

"Sino?"

Yung feeling. Yung feeling na dala ng hangin.

"Anong feeling?"

Yung saya... Hindi mo ba hinihintay yon? Minsan, pag tapos na ko magyosi pero hindi pa dumadating, hinihintay ko.

"Hintayin natin."

Tapos, sabi ng kaibigan ko, kantahin ko daw yung "Buloy" sa kanya. Kaya sa gitna ng mga nagsisigarilyo, nagsimula akong kumanta.

Yung mahina, yung marahan, yung medyo masakit.

Pagkatapos, sabay kaming bumuntong-hininga. Pakuwa'y sabi ko, "Ang lungkot no?"

Sabi niya, "Wag ganyan. Masaya tayo."

Tama, sabi ko. Masaya tayo.

Umihip ang hangin.








Friday, September 5, 2014

Aling Banang's - Maysilo Circle, Mandaluyong

Posted by IE Sindayen at 1:59 AM, http://dearpapa-p.blogspot.com/Monday, January 13, 2014

Bago lang ako sa Mandaluyong. I moved in October 2013. So, wala pa ako masyadong alam puntahan other than yung commercial spots like fast food and mall restaurants. 

E pero hindi ako masyado fan ng commercial echos. Kasi, trip na trip ko ang mga katagang "give chance to others." As in, "give chance" para distribution of wealth at "give chance" sa sharing of talent.

Today, my friend and I went to Aling Banang's for the first time. Nakwento kasi ng boss niya, na dating boss ko din, na success daw ang food trip don. E syempre boss yon.. er, I mean, syempre pagkain yon, kaya we had to check it out.

Nasa Maysilo Circle lang ang Aling Banang's. From EDSA, go down Boni MRT station and take a jeep bound for Gabby's. Baba ka sa Maysilo Circle bago kumanan paakyat sa may Baliwag. Tapos, lakad ka papuntang Tapa King. Malalagpasan mo pa yung Tapa King para makarating sa Aling Banang's pero baka ma-miss mo yung sign kasi nasa baba ng sign ng Nuat Thai Massage yung sign ng Aling Banang's at mukhang warehouse yung building pag sa malayo. 

Check mo na lang yung pic ng kaibigan kong galit sa camera. O kaya, kung hindi mo pa talaga na-gets, mag-google maps ka na lang. Ingat lang at wag mag-cellphone sa gitna ng Maysilo Circle ngayon, pagnasagasaan ka, madaling itago ang bangkay mo sa hinuhukay na drainage system.

Anyway, pumasok kami sa Aling Banang's na brown and mottiff at may mga poster ng pagkain na nagsisisigaw ang kulay.

"I have a good feeling about this," sabi ng tiyan ko.

Pakiramdam ko nasa lumang movie ako ni Bembol Roco, Maynila sa Kuko ng Liwanag style. Pero hindi madumi, medyo madilim lang kasi nagswimming kami sa araw sa labas. 

Merong maliit na bintana kung san ka oorder ng pagkain tapos yung mga psychic na waiter lalabas galing kitchen para ibigay yung inorder mo in five minutes or less.

Wag ka mag-alala, mainit yung pagkain. Mainit talaga at nakailang paso sa labi yung kasama ko kasi pinipilit niyang kainin agad. 

Wag mong itanong kung pano nila nagawa yon, hindi ako dito nagtatrabaho. Basta ang alam ko, nasira ang diet ko sa Sizzling Liempo nila na P105 lang na may gravy na bumubulong ng: "Extra rice! Extra rice!"

Tapos meron pa silang pakulo na Leche Flan Ice Cream na may isang cube ng leche flan, sa ibabaw ng tatlong scoop ng ube ice cream, na nasa ibabaw ng apat na cubes ng leche flan pa! Na-imagine mo ba? Hulaan mo kung magkano.

I'm sure, mali ka. Kaya sasabihin ko na ang tamang sagot. Fifty pesos. 

Meron nga lang silang kalokohan sa halo-halo. Yung halo-halo nila, walang yelo. Meron ice, ice cream. As in, may beans at banana slices na pinaibabawan ng ice cream at nilagyan ng leche flan. Hindi halo-halo ang tawag don. Hindi ko alam kung anong tawag don pero mukhang may napilas na page sa recipe book nila kaya hindi nila nailagay yung yelo.

Just the same, wala naman talaga ako masyadong pakelam kasi hindi naman ako yung umorder ng halo-halo. At inubos ng kasama ko yung ice cream na hinaluan ng beans at saging kaya wala naman talaga masyadong problema.

O, alam kong gusto mong pumunta pero kinatatakot mo ang panganib na dulot nito sa abs mo. Pero, isipin mo na lang, hindi kayang sirain ng isang meal ang 6-pack mo. Pero hindi ko na kasalanan kung nagpabalik-balik ka..

Basta kami, babalik kami. Wala naman kaming abs na pinoprotektahan.





Mobilisasyon at Pagkilos

Ngayon, ang mobilisasyon ay nagkaroon na ng mukha para sa akin.
Pagkatapos mapagod sa pagbuhos ng sandamakmak na oras sa kakatanong sa mga tradisyunal na aktibistang walang masagot... nalaman ko din sa sariling sipag ang diwa ng mobilisasyon.

Higit sa madumi, magulo at militanteng pagkilos na ibinabasura ng mga pulitiko at inilaladlad ng mga tradisyunal na kabataang nais mabansagang makabayan... ang mobilisasyon ay isang makulay na pagkilos sa mga laban na hindi maipanalo sa isang de-strukturang prosesong idinidikta ng saligang batas na nakakiling sa interes ng mga mapandahas.

Ang mobilisasyon ay isang pagsumpa ng pakikibaka sa masang Pilipinong siya nating pinaglilingkuran. Isang paninindigan sa isang labang siya nating sama-samang kinasasangkutan.

Isa rin itong paraan ng pagiit sa ating karapatan para sa malayang pananalita.

Hindi ito isang dogmatikong estratehiya tungo sa kasikatan o pagpapanggap. At madalas, hindi rin ito sagot sa problemang ating kinakaharap. Ito lang ay isnag paraan upang ipaalam ang mga hinaing na itinatago ng mga iresponsable mula sa nakararaming mamamayang hindi namumulat sa tunay na pandarahas na nararanasan ng mga maralita.



inilathala sa 360.yahoo.com ni iE gamit ang seryosongpatawa@yahoo.com noong Linggo Marso 12, 2006. Orihinal na manuskrito ni Mardie "iE" Sindayen ukol sa Kilos Protesta.+

Acceptance Stage

Sa gitna ng McDonald's at ng kalsada, tumawag ka. Sa gitna ng mahinang ingay ng mga nagbebenta ng prutas at ng mamang nagsasalita sa speaker para ipaalam na nasa likod ng jollibee ang tamang sakayan, nag-usap tayo.

Mag-isa na naman ako, sa gitna ng parking lot -- sa gitna ng McDo, kalsada, mga nagbebenta ng prutas at ng speaker.. Dinadamang kasama ka pero pawang itong simoy ng malamig na hangin ng umaga ang dumadampi sa balat ko. At oo, wala ka sa tabi ko kundi nasa telepono.

Natapos ang tawag. Ibinulsa ko ang telepono. Naglakad papunta sa likod ng jollibee. Nagbayad para sa pamasahe. Sumakay ng dyip. Nagbasa ng libro. Pumara. Sumakay ulit ng dyip. Nagbayad ng pamasahe. Hinanap ang telepono. Hinanap ulit. Napatawa. Hindi ko nakita ang telepono. Bumaba ng dyip. Tumawa ulit. Ngumiti. Hinalungkat ang bag.

Umiling "Kalokohan na naman."

Sumigaw. "Waaaaaaaaaaah!"

Tumawa. "Ahahahah."

Bumuntong-hininga. "Haaay."

Humalakhak. "AHAHAHAHHAH."

Nagmura. "Putang ina!"

Nag-english. "Shit!"

Nag-isip. "Hindi mo na ako matatawagan."

Tapos, tumawa ulit. "Ahahahahahaha."

Nakangiti akong pumasok sa klase. Alam kong malaya na akong muli, kahit para lang sa ilang Linggo. Kalayaan kapalit ng orasan, kalendaryo, radyo, archive, camera, recorder at laruan.

Kunsabagay, mahirap nga naman maging malaya.

Nakangiti akong sinabi sa kanyang nawala ko ang telepono, sabi ko nasa acceptance stage na ko. Tumawa siya at niyakap niya ako.

Ang sarap maging malaya.

[Inilathala sa Yahoo 360 noong Wednesday January 4, 2006 - 11:03pm (PST)

Anak ng Kalawakan

Anak ako ng kawalakan
Hindi ako anak ng Diyos
O ng dalawang taong magkaiba ang kasarian.

Ako’y mabubuhay,
Nabubuhay
At mamamatay
Para sa ikabubuti ng kalawakan.
Hindi ako para sa kabutihan lamang
Ng isang lahi ng tao sa lipunan
O ng isang relihiyong sumasamba sa isang Panginoon.

Hindi ako alagad ng Diyos.
Hindi ako alagad ng tao.
Wala akong pinaglilingkuran.

Ako ay alagad ng kalawakan,
Inaangkin kong pamilya ang buong mundo,
Tahanan ko ang Pilipinas,
Batas ko ang katotohanan,
At pag-ibig ang tangi kong sinasamba.

Handa akong limutin ang nakaraan
Upang makisangkot sa pagtataguyod ng hinaharap.
At bukas,
Sa paglikhang balot ng tangi kong sinasamba,
Makakapaghatid ako ng bagong tao.
Bibigyan ko siya ng edukasyon,
Aarugain ng may pag-irog,
Imumulat sa katotohanan,
Aagapayan sa unti-unting pagtayo,
At,
Sa prosesong iyon,
Ipapaalam na ako’y hindi kayang magulang
Kundi ang kalawakan.

Sa gayon di’y ipamamalas
Ang tunay
At tamang anyo ng buhay.
At sa kahit anumang oras na kailangan ko nang isuko
Ang karapatan ko para sa hangin ng mundong ito
Saka ko sasabihing:
Ako’y naging mabuting anak
Sa kalawakang sa akin ay kumupkop,
Ako’y walang sawang sumamba
Sa pag-ibig na inari kong akin,
At ako’y sumunod sa batas
Sa katotohanang aking kinilala.

Ang buhay ko’y magwawakas
Bilang isang tunay
Na anak ng kalawakan.
At hanggang sa huli,
Ako ay Pilipinong
Nanahan sa sarili kong bayan.

Handa akong harapin
Ang aking huling hantungan.



POSTED BY IE SINDAYEN AT 7/26/2006 10:49:00 PM + http://seryosongpatawa.blogspot.com/

dreamboy

i dreamt of him last night.

i can almost paint his face.

he was handsome but simple that i was comfortable looking at him and yet amazed.
he was tall that i had to tiptoe to embrace him.
he had medium physique.
he was slender enough that i felt it easy to wrap myself around him.
and he was muscular enough to make me feel secure.

he looked young but thought old.
he was serious with life and philosophy but he smiled at me.

he got along well with my friends and he knew how to cook.
he had everybody's vote and satisfied everybody's taste including mine.

he had a kid.
i cannot remember if it was a girl or a boy but i remember the child was very pretty.
he showed affection for the child and took responsibility.

he had a job.
a real job; not a call center job, a diner job or a freaking hell office job.
and yes, he had a bigger paycheck than i did.

he appeared to be a doctor...
or was it a metaphor?
because he healed my depression.

but he did not give me my mania back, he gave me happiness.

at that short moment in time when we were together, i was truly happy...
and at that moment i wasn't scared to be happy.
he was everything in one package
and we were together.

and then i woke up.
i lost the dream... but i wish i have not lost him.
i look forward to the day that i meet him.

[Original Post: http://master_angsta.blogs.friendster.com/ Posted on November 02, 2005 at 06:41 PM.]

Kanto Freestyle: Agahang pang-Peti-Burgis


Alam ko, marami nang nakakain sa Kanto Freestyle. Sa iba-ibang Kanto Freestyle...

Nakita ko na yung Kanto Freestyle sa Kapitolyo at balita ko merong Kanto Freestyle sa BGC. Pero parang mas trip ko talaga 'tong Kanto Freestyle sa San Juaquin, Mandaluyong.



Hindi lang dahil taga-Mandaluyong ako at isang jeep lang to mula sa bahay - pero syempre, kasama din yon sa rason!

Ang hit dito, yung pagkain hinanda na parang pang-gourmet. Inasikaso yung itsura ng nasa plato mo.

Yung lasa ng breakfast rice meals, ayos. Hindi masama, hindi din naman sobrang sarap. Sakto lang. Tapos, masarap piktyuran. 

Parang ito.


Yung paborito ko kainin dito, yung pancakes. Pero sa dami ng beses kong bumili ng pancakes, hindi ko naiisip piktyuran. Nauubos agad. Hindi ko nga alam kung bakit e. 

Basta, ganon. :)


Ang cool pa dito sa Kanto Freestyle na 'to, yung nasa kanto ka talaga... na parang hindi mo kelangan umupo ng maayos.

Nasubukan mo na bang uminom sa Cubao Expo? Yung andami-daming tao, tapos dala-dala niyo ng kasama mo yung tig-isa niyong bote ng beer. Tapos, uupo kayo sa sahig ng sidewalk ng Cubao Expo. 

Parang ganon yung feeling. Pero ito wholesome. Walang intoxication, tambay lang. Kainan lang.


Sabagay, kahit walang alak, may tama ka rin naman.

Kumain ka na lang, 


di ba?