"Bakit di pa sabihin ang di mo maamin? Ipauubaya na lang ba to sa hangin?" kanta ng Up Dharma Down.
*
Napakasimple ng takbo ng istorya ng That Thing Called Tadhana, pero ang daming komplikadong emosyon.
Unang eksena pa lang, alam kong magugustuhan ko na.
Bakit? Kasi nagmumura si Angelica P.
Nagmumura siya ng pabulong kasi may bullshit na nangyayari. Wala siyang minumura, nagmumura lang siya. Hindi bastos kundi totoo. Nagmumura siya na parang ikaw at ako.
O, sige. Kung hindi ka nagmumura, e di ako lang. Nagmumura siya na parang ako.
Tapos biglang ngumiti si JM, akala ko end credits na kasi parang nakumpleto na ng ngiti niya yung buong pelikula. Pero meron pa palang kasunod.
Yung tahimik na pagkayamot sa paghihintay ng bag ng iba. Nakita mo ba ang sarili mo don? Ikaw ba yung nagpapahintay o yung naghihintay?
Ang pagpili ng cab. Ang pagtambay kasama ng taong di mo masyadong kakilala dahil naaaliw ka at wala kang ibang gagawin.
Yung unang pagmumura ni JM.
Yung asaran tungkol sa pagiging burgis.
Alam mo, sa dami ng tao na nagpapanggap na burgis, gusto kong balikan yung mga panahon nung college na hindi cool ang pagiging mayaman. Nakaka-miss kasi yung mga panahon noon na yung mga mayayaman yung nakikibagay at sumasama sa carinderia. Ngayon, haha. Hindi ka na college. At kahit yung college mo, hindi na rin katulad ng dati.
Isang impromptu na byahe. Paborito natin yang mga ganyan. Pangarap natin yan. Yung, isang araw, wala sa plano, bigla ka lang sasakay ng bus papunta kung san mo gusto.
Yung pagbuhat ng sarili mong bag - ikaw, bilang babae - na walang tulong ng iba - ng walang tulong ng lalake - at kahit gano kabigat, masasabi mong kaya mo, kakayanin mo at makakaya mo. Na parang tulad ng pagle-let go. Na kahit mahirap, kahit mabagal, kaya mong gawin mag-isa ng walang tulong ng iba - ng walang tulong ng ibang lalake.
Yung pagbuhat ng sarili mong bag - ikaw, bilang babae - na walang tulong ng iba - ng walang tulong ng lalake - at kahit gano kabigat, masasabi mong kaya mo, kakayanin mo at makakaya mo. Na parang tulad ng pagle-let go. Na kahit mahirap, kahit mabagal, kaya mong gawin mag-isa ng walang tulong ng iba - ng walang tulong ng ibang lalake.
Nung naiwan nila yung maleta, yon yon e. Ang gaan. Walang buhat, walang hassle. Kung pwede lang e.
Tangina, di pa nga ako nakarating ng Sagada!
Burgis nga yung dalawa. Kayang gumasta ng pamasahe, pagkain, panahon. Burgis.
Naisip ko tuloy... Para sa burgis nga lang ba ang tadhana? Tangina kasi, busy ako e.
Favorite ko yung sumisigaw si Mace sa taas ng bundok. Sa harap ng sea of clouds, sinigaw niyang ayaw niya na. Nakakaiyak yon. Naisip ko sana pwede nating isigaw ng ganon yung nasa loob nating lahat. Ang sarap non.
Yung mga usapan nila, simple lang e. Pero pasok. Patusok. Tumatama. Medyo... masakit.
"Aren't we supposed to be great by this time?" Instant translate: Gano ka kabwakananginang bilib sa sarili mo at nasan ka ngayon?
"Pangit ba ko?" Instant translate: Ano bang wala sa akin?
Yung curiosity na kung ako kaya ang kausap ni Anthony, sasabihin niya din kaya na maganda ako? Yung thoughts na wala namang sense lahat ng nagsabing maganda ka, kasi hindi naman ikaw ang mahal nila ngayon.
Hugot film siya. Hindi lang dahil humuhugot yung characters pero dahil huhugot ka rin.
Sabi ko, sa palagay ko, hindi to masyadong maa-appreciate ng mga masyadong masaya. Yung mga taong nakalimot na don sa sakit ng maiwan. Yung mga taong hindi na matandaan yung lungkot ng pag-iisa.
Ito, oo, para to sa mga gustong mag-move on. Pero hindi dahil pwede mong gayahin yung characters na magta-travel at mai-in love tapos makaka-move on ka na. Kasi... san mo naman hahanapin si JM?
Hindi naman lang to para sa pagmo-move on sa lovelife. Tingin ko para to sa pagmo-move on sa buhay. Yung mga tanong na, ano ba talagang gusto mo maging? Yung toast na, to the great people we will become.
Dahil pag nire-examine mo yung buhay mo at hinanap yung sarili mo - yung totoong sarili mo - sa kung anumang paraan na angkop sa yo, don ka makaka-move on.
Kaya...
Cheers....!
"to the great people we will be."
Kaya...
Cheers....!
"to the great people we will be."
*
Panoorin mo na =)
No comments:
Post a Comment