Tuesday, March 17, 2015

"Yung iba nga, mas malaki problema e."

Kapag may problema ka, maraming tao yung magsasabi sa yo na, "Wag mo na isipin yan, marami diyan mas malalaki pa ang problema kesa sa yo."

Yung iba, para tumahan ka. Yung iba, para manahimik ka. Yung iba, wala lang siguro masabing iba.

Pero kung ano man ang rason ng bawat taong yan ang sinasabi kapag may problema, hindi pa rin ako kumbinsido.

Ika nga: My feelings are valid.

May karapatan akong makaramdam ng lungkot, galit, pagkadismaya at kung anuman. Hindi matatanggal ng mas mapusok na damdamin ng iba ang nararamdaman ko.

Syempre, magkaiba naman to sa mga nagrereklamo lang. Meron kasing mga tao na kelangan lang nila maglabas ng sama ng loob para makakuha ng solusyon. May iba naman, nagrereklamo lang pero wala naman balak gumawa ng solusyon.

Sabi ko sa isang kaibigan, kung ang lower middle class, iisipin niya na wala siyang problema sa pera dahil may mga nasa below poverty line, hindi niya masosolusyunan ang problema niya.

Wala nang aasenso.

Sabi nga sa Desiderata,
"If you compare yourself to others,
You may become vain or bitter,
For always, there will be lesser or greater persons than yourself."

Hindi ka nagkaproblema para tignan mo kung sino ang may mas konti o mas maraming problema kesa sa yo, nagkaron ka ng problema para humanap ka ng solusyon sa problema mo at matuto.

Gumawa ka ng solusyon:
Ngayon, para sa sarili mo.
Bukas, para sa mga sa tingin mo ay merong mas malaking problema kesa sa yo.

No comments:

Post a Comment