Ang unang comment ko sa librong ito: WAAAAAHHHHH!!
And, unfortunately, in a negative way. Sumasakit ang puso ko sa ka-negahan ng librong ito.
Gusto ko si Lourd de Veyra at natutuwa ako sa WOTL pero itong librong 'to, ansakit talaga sa dibdib.
Naka-limang essay pa lang yata ako pero I have read so much hate. Galit siya sa nagse-selfie, nagpi-picture ng pagkain, sa nagagalit kay Dan Brown sa pagtawag sa Maynila bilang "gates of hell," sa nagbabasa ng Dan Brown books, sa mga writer na hindi nagbabasa, sa nag-o-OOTD at iba pa.
Pwedeng dala ng passion, pero confused ako kasi parang galit siya sa mga taong may opinyon, sa mga taong bad vibes at sa mga taong good vibes. In short, parang galit siya sa lahat ng tao. Ops. Mali. Except sa mga credible sources na pareho ang opinyon sa kanya. Sa mga tinuturing niyang intellectual giants na pareho ang opinyon sa kanya. Pero kung intellectual giant na iba ng opinyon, galit din siya.
Masarap basahin yung libro in the sense na marami kang makukuhang info tungkol sa kung anu-ano pang pwede mong pag-aralan sa mundo - which is why ito yung nilagay ko sa wishlist ko sa exchange gift last year.
Mapagmumulan to ng ibang pagkakaabalahan na iba sa nakalagay sa facebook ko. Yung mga terms na di mo gets, mga nababanggit na tao, movies, songs, at libro at mga history ng mga yon. Alam naman natin na boring din naman talaga kung puro kung ano lang ang nasa newsfeed mo yung alam mo.
Pero, as full of info as it is, medyo hindi ako komportable sa angas nung writing. Na parang intellectual elitism yung dating. "I am the smartest and you are all idiots." yung boses ng pagkakasulat.
Alam ko namang matalino si Lourd pero hindi naman bobo lahat ng ibang manunulat na nabasa ko.
Haay. Di ko kaya basahin ng tuloy-tuloy. Nagsulat na ko kasi napabigat talaga nito yung loob ko. Sobrang nega. Balikan ko na lang siguro after a few weeks. Mag-Kikomachine na muna ako.
No comments:
Post a Comment