Sige, pare.
Ikwento mo araw-araw
Isipin mo mula umaga hanggang gabi,
Yang relasyon niyong wala nang natira
At imahinasyon mo na lang ang nagpapagana.
Hold on ka lang, pare.
Panghawakan mo ang iyong paniniwala.
Ang mundo ay hugis puso,
Mabuti ang lahat ng tao,
May pag-asa ang bansang 'to,
May katuparan ang mga pangako.
Ang bawat araw ay ligaya
Ang ihip ng hangin ay musika
Walang halaga ang ekonomiya
At ikaw ay mahal niya.
Sige lang, pare.
Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan.
E ano naman kung isipin nilang mangmang ka
O hibang kaya!
Kung iintindihin naman natin nang tunay ang mundo,
Hindi ba masisiraan din naman talaga tayo ng ulo?
Kaya Hold on ka lang.
Walang karapatan ang mundong kwestiyunin ang kathang-isip mo,
Hold on ka lang.
Wag kang magpapatalo sa katotohanan.

No comments:
Post a Comment